Friday, August 17, 2018

Tula, muni - muni, damdamin at iba pa.




Poems:

Ang Kabukiran
Nang ulan ay pumatak sa tigang at uhaw na lupa.
Tahimik na bukirin napuno ng kokak ng palaka.
Mga magsasaka'y gumayak sa bukid ay gumagala.
Nagsimulang bungkalin ang 
mayamang lupa.


Punla'y inihanda para sa masayang
tanimang magaganap.
Umaasa na ito'y yayabong at
mamumunga sa hinaharap.
Di alintana mga pagod at hirap kahit tirik man at mainit ang araw.
Tumagaktak man ang pawis
saya at sigla ang nangingibabaw.


Dating kayumanging lupa ngayo'y
naging makinang na dilaw at lunti.
Makapal na tubo ng mga palayan
ay malawak na nagpupunyagi.
Saan ka man tumanaw sa paligid luntiang palay na ngayo'y lumalaki.
Nagbabadya ng masaganang ani
na magdadala ng lualhati at ngiti.


Kaysarap maglakad mamasyal sa malawak malapad na bukirin.
Malamig at malinis na hangin sa umaga ay kaysarap langhapin.
Hangin na nagbibigay buhay sa bawat ugat ay nagpapaigting.
Sa katawan ay nagbibigay lakas
upang pag-ani ng palay ay pagigiin.


Di nagtagal butil ay unti-unting umusbong sa uhay ng palay.
Palatandaang pag-aani ay darating
at aalamin kung ano ang taglay.
Uhay na dati'y dilaw at luntian
ngayo'y gintong napaka-makulay.
Masayang anihan sa bukid dumatal
nagbibigay ng saya sa ating buhay.

Ang mga ina ay dapat mahalin samantalang sila ay buhay pa sa inyong piling.
Inang Mapagmahal

Sa unang pagkakataon nang ikaw ay isinilang at mamasdan.
Abot langit kaligayahan nadama
sa iyong pag-uha tumulo ang luha.
Magmula noon ikaw ay inaaruga
sa kaniyang dibdib ay pinagpala.


Siya'y inang labis na mapagmahal hanggang ikaw ay lumaki.
Iniaalay ang buong sarili kahit ano
pa ang sabihin nila sa iyo.
Kaya nga siya'y napalapit sa iyo
buong puso mo't isipan alay mo.


Ngayo'y wala na siya sa 'yong tabi
naiisip at nangungulila palagi.
Bumabalik-balik na alaala ng
kaniyang lantay na pagmamahal.
Sa bawat pitik ng iyong puso'y
nagpapasalamat lagi mo siyang
IKARARANGAL.

Ang buhay ay talagang ganyan may saya at mayroon ding hapis.
Dalawang Mukha Ng Pagibig

Noong una nang akoy balot pa ng payak na pamumuhay.
Sa di inaasahan ikaw ay dumating 
kamay mo'y iwinawagayway.
Sa unang pagkakataon ako ay
sumigla at umibig.
Ang mundo ko'y napuno ng saya at nagniningning ang mga kulay.


Ngunit singbilis ng 'yong pagdating
singbilis din ang iyong paglisan.
Naiwang lumuluha at nagtataka
bakit ka nagkaganyan?
Hinahanap ko ang dating ikaw
at ang dati nating pasyalan.
Animo walang katapusang saya
ngayo'y pighati ang nararanasan.


Madilim ang paligid at ang lahat
ay binabalot ng lungkot.
Hindi ko alam kung hanggang
kailan magtitiis at makakalimot.
Ngunit alam ko ito ay lilipas at
may hangganan din and dilim.
Sa dako pa roon naghihintay
panibagong pagasa at liwayway

This means season of Spring that gives hope and life to all.
Tagsibol

Muli narito na naman ang sandali na puno ng lakas at pag-asa.
Lahat ay umaawit sumisipol dahil sa matinding saya at ligaya.
Luntian at ginintuang paligid sa bawat Isa ay bumubungad.
Nagpapadama nagpapahiwatig ng matinding paghahangad.


Malumanay na simoy ng hangin na sa aking katawan ay dumadampi.
Nagbibigay sigla bumubuhay sa dugong napupuno ng sidhi.
Di maiwasang umasam ng isang bagay na malimit na minimithi.
Sa kaibuturan ng aking pusoy
Nag aalab na sinasabayan ng ngiti.


Wari'y kalangitan na nabuksan
nang ganda mo'y nasilayan.
Isa kang Diyosa sa aking paningin kumakaway sa iyong himlayan.
Nang daliri natin ay nagdugtong
di maiwasan dibdib dumagundong.
Dagitab ay lumatay sa katawan nati'y nagbigay kakaibang ugong.


Nag-apoy rumagasa at umaapaw
masidhing damdami'y sumisigaw.
Ikaw at wala ng iba aking mahal
damhin natin tamis ng pagsinta.
Hayaan mong tayo ay dalhin
sa rurok na malapit kay Bathala.
Hayaang pumayapa sa kandungan
mo'y managinip at humupa.

 Ang susunod na Tula ay katha ng aking damdamin at isipan sa panahon ng pag-limi2x at pagiisa.
Bahag-Hari

Hayaan mo akong liparin ng muni-muni at galak sa dako pa roon ng kaparangan.
Kung sa ganyang paraan lang masisilayan iyong natatanging kariktan.
Di ko mawari at di masukat 
Ang aking tuwa at kagalakan nadarama
Labis labis lalo na nang ikaw ay ngumiti
Nagningning mapungay mong mga mata.
Buhay koy umaliwalas at sumaya
Tulad ng Bahag-Hari na puno ng kulay at ganda.

Movie Lines and "Hugot":

“Bakit kung kailan tayo sa wakas ay nagkatagpo sa puso't isipan ay doon ko pa nalaman na huli na. Isang pag-ibig na dumaan sa tamang oras at panahon pero hindi naging tayo. Ngayon ang tamang oras at nasabi ko ang matagal ko nang kinikimkim at totoong damdamin para sa iyo. Masakit malaman na hindi na ikaw para sa akin. Gustuhin mo man o ako rin ay hindi na talaga pwede. Ang ating dating pagibig sa isa't isa ay sadyang naging maling pag-ibig sa maling panahon. Hindi talaga pwede

Ops,ops,ooops! bago kayo mag-isip ng ano pa man. Ito ang konklusiyon sa pelikulang 100 Tula Para Kay Estela. Tinamaan ka?”

(This is about my own interpretation of a movie line in 100 Poems for Estela. Two friends for a long time has not expressed their true emotion for each other. Until the woman fell for another guy and her friend finally found strength to say what is in his heart but its too late.)

"Bakit noong nakakakita ka Hindi mo ako makita pero nang mabulag ka nakita mo ako?" Kailangan pa bang mabulag ka para mapabilang ako sa 'yong mundo. Hindi mo lang alam at Hindi mo nararamdaman, narito lang ako sa iyong tabi naghihintay na mapansin at pahalagahan mo. Kailangan ko pa bang pigain ang aking diwa't isipan upang ang aking Marubdob na damdamin ang iyo mo rin madama sa pamamagitan ng pagsulat ng 100 Tula? Naks! Epekto lang ng KitaKita at 100 Tula para kay Estela. Hehehe. Sumakay kayo no?

Agos Ng Buhay


Sa aking paghihintay habang nakaupo sa isang sulok ng mall at ang aking asawa ay namimili sa grocery, napansin ko ang dami ng mga taong naglalakad paroon at parito. Iba't-ibang klase ng mga tao: may payat, may mataba, may maputi, may maitim, may matangkad, may pandak, may bata, may matanda at 'yong isang ale may karga pang sanggol.

Naisip ko tuloy na talagang nakakamangha ang Diyos na lumikha ng lahat ng ito. Iba't-ibang mga tao na may kanya-kanyang pag-iisip at ginagampanang papel sa buhay. May mga taong mayaman pero mababa naman ang pagtingin sa ibang mga tao pero meron din namang mapagkumbaba at mabait. Mayroon namang anak ng mayaman na hindi marunong tumayo sa sariling mga paa at maangas o mayabang na kayang gumawa ng hindi tama. May mga taong takot harapin ang hirap ng buhay kung walang mga taong tutulong sa kaniya. Dahil sa iba't-iba din ang karanasan ng mga tao,

halimbawa, lumaki sa hirap at mapait na mga pangyayari, natuto ito na maging matapang at matatag sa pagharap kung ano mang ibigay ng buhay sa kaniya. Pero minsan may kaakibat ding hindi magandang epekto at ito ay ang kakulangan sa kakayahan niyang magmahal at mahalin. Nagiging "bato" sabi nga nila, matigas pero pilit itinatago o kinikimkim ang kahinaan sa takot na siya ay pagtawanan at lumabas na talunan.


Ang iba naman ay tuluyang napapaso at nagpapadala sa agos ng buhay kung saan man sila dalhin o mapadpad. Nagiging lulong sa alak at ipinagbabawal na gamot at nakagagawa ng malagim na mga krimen tulad ng pag-patay, pagnanakaw, panghahalay at panglalamang sa walang kalaban-laban na mga nilalang.

Sa kabila ng lahat ng ito dapat nating tanggapin na talagang ganito ang buhay at matuto tayong harapin na may lakas ng loob sa tulong ng Maykapal ang bawat pagsubok na maaring sumubok sa atin. Siyanawa.”